Sir Chief muling tatakbo sa Cebu

SUSUBOK muli sa politika ang aktor at negosyanteng si Richard Yap.


Nitong Lunes ay nag-file ng certificate of candidacy si Yap para congressman ng District 1 ng Cebu City.


Ang asawang si Melody ang naghain ng kandidatura ni Yap sa Comelec.


Noong 2019 ay natalo si Yap sa parehong posisyon ni Raul del Mar.


Sumikat si Yap bilang Sir Chief sa teleserye na Be Careful With My Heart at Papa Chen sa My Chinita Girl.–A. Mae Rodriguez