SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na umabot na sa 28 milyon ang nagparehistro sa ilalim ng mandatory SIM card registration na tatagal hanggang Abril 26, 2023.
Sa isang panayam sa radyo, idinagdag ni Uy na inaalam pa kung ilan talaga ang mga lehitimong SIM na kailangang maparehistro bago ang itinakdang deadline.
“Kailangan nating ma-clarify yun, kasi although yung SIM card nating na isyu ay 150 million, nyunit sa 150 million na yan, alam po natin na ang marami diyan ay bumili ng pre-paid, tapos ginamit lang ng isang beses tapos tinapon na, lalu na yung telemarketers, scammers, so hindi pa natin alam kung ilan sa 150 milion ang ganitong klase, so more or less, sabihin na natin kung nasa 20 millon or 30 million yun, eh more or less siguro nasa 120 million SIM card na matitira, na kailangan na marehistro,” dagdag ni Uy.
Nagsimula ang mandatory registration noong Disyembre 27, 2022.