NANINDIGAN ang nagbitiw na administrator ng Sugar Regulatory Administration na si Hermenegildo Serafica na malinis ang kanyang konsenya at wala siyang ginawang hindi naayon sa batas.
Ayon kay Serafica na pinayagan ni Pangulong Marcos na magbitiw sa pwesto nitong Martes, aalis siyang magaan ang puso dahil alam niyang lahat ng kanyang ginawa ay pasok sa kung anong naayon sa batas
“Today, I am officially leaving my post with a light heart and clear conscience knowing that I performed the functions of my office consistent with, or within the bounds of the law,” ayon kay Serafica.
Babalik anya siya sa pagsasaka ngayon na wala na siya sa pamahalaan.
“Before I was asked to become part of SRA, I was a simple farmer. After this, I will go back to my first love, farming. I never thought of becoming a public servant but I became one. It was a long and taxing job but definitely meaningful and I thank those who gave me this once-in-a-lifetime opportunity to serve the sugarcane industry and the Filipino people,” dagdag pa niya.
Naghain ng kanyang resignation letter si Serafica noong Agosto 10 ngunit hinintay pa nito ang pag-apruba ni Marcos.
Tinanggap ng Palasyo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto sa isang liham na nilagdaan ni Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.
Bago ito, nagbitiw din sa pwesto ang dalawa pang lumagda sa kontrobersyal na sugar importation order na sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at Board Member Atty Roland Beltran.