TUMANGGING magbigay ng kanilang mga komento ang ilang senatorial bets ng administrasyon hinggil sa impeachment case na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.
Sa press conference ng mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas bago ang kick-off rally sa Ilocos Norte nitong Martes, sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay, na ayaw muna niyang magkomento rito lalo pa’t hindi pa niya anya niya nababasa ang Articles of Impeachment laban kay Duterte.
“Kailangan manalo muna kami,” ang sagot nito.
Gayunman, kailangan din anya maging “impartial” ang mga senador kahit pa anong political affiliation nila.
Samantala, sinabi naman ni dating Senate President Tito Sotto na hindi election issue ang impeachment ni Duterte.
Anya meron mga bagay na dapat pang pag-usapan ng Senado bago ituloy ang impeachment trial.