INIREKOMENDA ng Senate blue ribbon committee ang pagsasampa ng plunder at graft laban kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng umano’y partisipasyon niya sa maanomalyang transaksyon ng Pharmally Pharmaceutical Corp.
Bukod kay Duque, pinakakasuhan din ang mga dating opisyal ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na si Lloyd Christopher Lao; overall Deputy Ombudsman Warren Rex H. Liong, PS-PhilGeps Division Chief Dickson Panti, at mga empleyado ng PS-DBM na sina Jorge L. Mendoza at Mervin Ian Tanquintic.
Patong-patong na kriminal na kaso naman ang inirekomenda ng komite laban kina dating presidential economic adviser Michael Yang, Chinese national Lin Weixiong, at Pharmally executives na sina Linconn Ong, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Krizle Grace Mago at Huang Tzu Yen.
Inirekomenda rin ang deportasyon nina Yang, Weixiong at isa pang Chinese national na si Qing Jin Ke.
Sinabi ng Blue Ribbon na dapat ding ikonsidera ang paghahain ng kaso laban kay Pangulong Duterte pagkatapos ng kanyang termino dahil sa umano’y “betrayal of public trust”.
“The Senate protected health care workers, but discovered that the public funds are plundered as the Filipino people struggle in its fight against the COVID-19 pandemic,” sabi ng report.