“BINARIL” ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pinalulutang na Duterte-Duterte tandem para sa 2022 elections dahil matagal na niyang isinapubliko na hindi siya kailanman tatakbo bilang pangulo.
Nagtataka rin aniya si Duterte-Carpio kung bakit nagbabangayan ang Malacañang at ang opposition coalition 1Sambayan ukol sa umano’y plano niya sa eleksyon sa susunod na taon.
“I do not understand why 1Sambayan and the Palace are playing a slapping game about a Duterte-Duterte tandem. The President already said he does not believe I am fit to be President because I am a woman. Period,” aniya.
Matatandaang binalaan ni Pangulong Duterte ang anak sa pagkandidato bilang pangulo kahit humahataw pa ito sa mga survey.
“I went to see him (Duterte) last January 8. I told him I do not intend to run for President. He replied, ‘very good.’ He also said he did not want me to run but nothing about gender was discussed,” dagdag ng alkalde.