HINDI dapat kaawaan ang mga kriminal at terorista.
Ganito ang naging pahayag ni Vice President at ngayon ay government caretaker na si Sara Duterte sa pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng security sector Lunes.
Ayon kay Duterte, dapat magpakita ng “no mercy” ang pamahalaan sa mga kriminal at terorista lalo pa’t nais ng gobyerno na paigtingin ang koordinasyon at kooperasyon para sa pambansang seguridad.
Pinulong ni Duterte ang mga opisyal ng security sector matapos siyang maatasan maging government caretaker habang na state visit si Pangulong Bongbong Marcos sa Indonesia at Singapore.
“Our objective was to strengthen existing coordination and enhance interagency cooperation on issues concerning our national security and the country’s development,” ayon kay Duterte-Carpio.
“As the caretaker, may I reiterate the Marcos administration’s direction towards aggressively pursuing programs and projects that will address social inequities and further propel the country’s progress post-pandemic,” dagdag pa niya.
Aniya, hindi dapat magpakita ng awa para sa kriminal at terorista.
“Our policy against criminals and terrorists and those that support and espouse their ideologies of violence should be hardline. We should show no mercy to criminals and terrorists,” ayon sa opisyal.