NAGBITIW si Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng Lakas-CMD.
“I am grateful to all the party members for the support that also once demonstrated that unity is possible to advance our shared dreams for our fellow Filipinos and our beloved country,” sabi ni Duterte .
Inihayag ni Duterte ang pagbibitiw sa partido isang araw matapos namang palitan sa Kamara si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker.
Irrevocable ang desisyon ni Duterte na magbitiw. Wala namang binanggit si Duterte na dahilan ng kanyang desisyon.