Sara nag-iisip pa kung tatakbo; Gordon sure na

KUNG si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay pinag-iisapan pa kung tatakbo bilang pangulo sa susunod na eleksyon, siguradong-sigurado naman si Sen. Richard Gordon.


Ayon kay Gordon, sa kasalukuyan ay naghahanap na siya ng kanyang bise-presidente.


Aniya, may ilang personalidad nang lumapit sa kanyang grupo at nagpresinta na maka-tandem niya.


Matatandaan na noong 2010 ay tumakbo si Gordon sa pagkapangulo pero natalo ito kay dating Pangulong Benigno Aquino III.


Samantala, sinabi naman ni Duterte-Carpio na pinag-iisipan pa niya kung sasali siya sa presidential race sa susunod na taon.


“Pinag-iisipan. A lot of people are asking me to reconsider my decision not to run for president and a lot of people are demanding to talk to me about it. Binigyan ako ng HNP (Hugpong ng Pagbabago) governors until July to decide,” aniya.


Sinabi rin niya na hindi scripted ang mga pahayag niya at pinag-iisipan niya nang maigi ang mga desisyon niya.


“Walang script. Ngayon is pinag-iisipang maigi ‘yung desisyon dahil hindi siya madaling trabaho na gawin,” ayon sa alkalde at presidential daughter. –A. Mae Rodriguez