Sara: Ginamit lang ako ng mga Marcos laban kay Robredo

NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na ginamit lang umano siya ng mga Marcos noong 2022 para masiguro ang kanilang panalo kontra kay dating Vice President Leni Robredo.

Ginawa ni Duterte ang kanyang pahayag sa isang press conference nitong Biyernes.

Inisa-isa ni Duterte ang detalye bago siya napatakbo bilang bise presidente noong 2022.

Anya si Senador Imee Marcos umano ang nakiusap sa kanya na tumakbong bise presidente ng kanyang kapatid na si Bongbong Marcos para malabanan si Robredo.

“Sabi niya sa akin, pwede ka ba tumakbong vice president?…Bakit niya ako ni-request na. And I’m happy that she was honest enough to say, ‘kasi matatalo kami ni Leni kung hindi mo dalahin ang bisaya,” ayon kay Sara.

“It was very straightforward, it was all about winning, sinabi niya sa akin,” dagdag pa nito.

Nang tanungin siya kung sa palagay niya ay nagamit siya, isa lang ang naging sagot ni Duterte: “Nagamit? Yes, clear naman ‘yon.”