MATINDI ang pahayag na pinakawalan ni Vice President Sara Duterte madaling araw ng Sabado laban sa kanyang mga kalaban sa politika.
Nagbanta si Duterte sa mag-asawang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez na kung sakaling siya ay mapatay, mamatay rin sila.
“‘Wag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke.”
“Nagbilin na ako, Ma’am. ‘Pag namatay ako, wag ka tumigil hanggang hindi mo mapapatay sila. And then he said yes,” pahayag pa ni Duterte.