Sara Duterte di pa sure kung dadalo sa 3rd SONA ni Marcos

HINDI pa makapag-confirm ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte kung dadalo ito sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Hulyo 22.

“We are still waiting for confirmation from the vice president,” ayon kay House of Representatives Secretary General Reginald Velasco.

Mahigit sa 2,000 ang inimbitahan para sa ikatlong SONA ni Marcos.

Sinabi naman ni Velasco na maaari namang magkumpirma ang bise presidente kahit last minute na o kung maisipan niyang huwag na lang dumalo.

Imbitado rin sa SONA ni Marcos ang mga dating pangulo at pangalawang pangulo ng mga nagdaang administrasyon.

Hindi pa rin nagbigay ng kumpirmasyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nagpasabi na ng kanilang “regrets” na hindi makakadalo sina dating Vice President Leni Robredo at Jejomar Binay.