Sara Duterte: Bong Go gusto mag VP sa akin

IBINUKING ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na personal na sinabi sa kanya ni Senador Bong na nais nitong maging vice presidential running mate niya sakaling siya ay tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan.

Bukod kay Go, sinabi rin ni Sara na personal ding inialok ni Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang sarili bilang kanyang vice presidential running mate.

“I can confirm the people who have personally expressed their offer to run as my Vice President: Senator Sherwin Gatchalian, Senator Bong Go,” ayon sa kalatas na inilabas ni Sara Miyerkules.

Wala rin anya siyang sama ng loob kay Go gaya nang mga napapaulat.

“This is not true. I do not hold a grudge against Senator Go concerning his relationship with PRRD. I am not the keeper of the President, he is allowed to have friends as I am,” sabi pa ni Sara.

Itinanggi rin ng alkalde ang sinabi ng kanyang ama na si Pangulong Duterte na inilalakad ni Senador Imee Marcos ang sarili para maging running mate ng presidential daughter sa 2022 elections.

“This is not true. She visited me in Davao last May 29 to personally relay her birthday wishes. So far, this is the only visit she has made to me in Davao,” dagdag pa ni Sara.