NANINIWALA si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na posible pa rin mauwi sa Sara Duterte- Bongbong Marcos tandem ang mamanukin ng administrasyon para sa 2022 elections.
Dagdag pa ni Carpio na sakaling matuloy ang Sara-Bongbong, maituturing na ito ang magiging strongest tandem na mailalarga ng administrasyon.
“There is still a possibility, and I think it is probable that it will be a team-up with Sara Duterte and Bongbong in the end because that would appear to be the strongest team and logically that will be the direction,” ayon sa dating mahistrado sa isinagawang forum ng 1Sambayan nitong Biyernes.
“But of course we cannot say for certain because everything is fluid at this time. We don’t know exactly if he (Marcos) will run for president or slide down to vice, but we know he is running for a national office,” dagdag pa nito.
Naniniwala rin si Capio na si Sara ang pinakamalakas na kandidato sa ngayon kung tatakbo ito sa pagkapangulo dahil sa mga presidential surveys kung saan siya palagi ang nangunguna.