NAGPROTESTA ang maraming college students sa isinagawang Student Congress ng Commission on Higher Education Cordiellera Office sa ginawang pagkuha kay Sandro Marcos bilang speaker nito.
Si Sandro ay apo ng dating Pangulong Ferdinand Marcos at anak ng dating Senador Bongbong Marcos.
Binatikos ng mga estudyante ang historical revisionism na ginawa ng CHEd nang kunin nito si Sandro para magsalita sa tema ng Student Congress na “Redefining the Role of Youth in Nation Building.”
Bilang protesta, ilan sa mga participants ang nagpalit ng kanilang mga pangalan sa “Never Again”, “#MarcosMagnanakaw” at “Archimedes Trajano” habang nasa gitna ng session, ayon sa report ng Daily Guardina.