HANDANG magpaputol ng kanyang mga daliri si Albay Rep. Joey Salcedasa sandaling hindi matuloy ang inaasahang pagbaba ng presyo ng sibuyas sa mga merkado.
Ayon kay Salceda, inaasahan na bababa hanggang sa P50 per kilo ang sibuyas.
Sa ngayon, nanatili pa ring mataas ang presyo ng sibuyas sa mga merkado. Naglalaro pa rin ito mula P500 hanggang P700 kada kilo.
“You can cut all my five fingers if it does not go back to P50,” sabi ni Salceda sa isang panayam sa ANC.
Sinisi rin ni Salceda ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa kartel sa bansa.
Idinagdag ni Salceda na nakatakdang simulan ng Kamara sa Lunes ang imbestigasyon kaugnay ng pagtaas ng presyo ng sibuyas at ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng sibuyas.