IPINAGTANGGOL ni Albay Rep. Joey Salceda ang mga biyahe ni Pangulong Bongbong Marcos matapos batikusin ng Makabayan bloc ang umano’y magarbong partisipasyon ni Marcos sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland kung saan 70 ang kasama sa kanyang delegasyon.
“It’s like a vacuum in international marketing of investments in the global markets so perfect, the Philippines would be first out there after three years of virtually, very little international marketing, especially Davos, there was no Davos in the past three years. So, I think tama lang po, wag lang araw-araw,” sabi ni Salceda sa panayam sa ANC.
Idinagdag ni Salceda na kailangan ding patunayan ni Marcos na mas galing siya sa kanyang tatay na si yumaong diktador Ferdinand Marcos Sr.
“He has to sell himself as a Marcos… The son is presenting himself to be a better version of the father,” aniya.
Umabot na sa walo ang biyahe ni Marcos matapos siyang umupo noong Hunyo 30, 2022.