HINDI pinalagpas ng mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo ang umano’y panunuya ng beteranong broadcast journalist na si Anthony Taberna sa panawagan nilang boycott sa Shopee dahil sa pagkuha nito kay Toni Gonzaga bilang endorser.
Ayon sa mga kakampinks, isasama na rin nila sa boycott ang mga negosyong restaurant at bakery ni Taberna.
“IBOYCOTT ANG NEGOSYO NI TUNYING! Pakilista dito kung alin at saan. Tapos RT natin ng madaming beses at walang katapusan nang maramdaman ni Tunying ang epekto ng pambabalewala niya.”
“Matalas ang dila ng i.n.c na e2, Tabernakulo kayo na nandaya kayo pa ang walng tigil kakukutya sa kapuwa nio tao. Yn b turo ng ministro nio? Hndi kmi nahihiyang masabing talunan kaya ikaw diabolic ka ikaw ang magmove on. Boycott ang lahat ng business ni AnthonyTaberna kng meron pa.”
“Si Anthony taberna Ang malaking kalokohan kaya sya Ang iboycot.”
“Mga kakampink boycott Tunying restaurant and all social media. Let us show are force.”
“Wala din kadala-dala itong tunying na ito. Kinakaladkad ang kultong iglesya sa kahihiyan. Piling mo righteous ka. Pinaninindigan mo na talagang bayad pati kaluluwa mo sa impyerno kasama ng mga Ka-Kulto mo. Hayaan mo Anthony Taberna, kasama ka sa ipinaglalaban namin.”
“Walang kadala-dala e naloko siya sa negosyo. kaya pala walang nanonood sa kanilang palabas sa ALLTV nasaan na iyong 31million Anthony Taberna?”
Matatandaan na dinepensahan ni Taberna si Toni sa mga kakapampinks na nananawagan na itigil ang pagtangkilik sa Shopee.
“Wala kayong kadala-dala, mga kaibigan. Yang boycott- boycott n’yo na ‘yan malaking kalokohan ‘yan… dahil maraming Pilipino ang nabubuwisit dyan sa boycott-boycott style n’yo. Hindi pa ba kayo nakaka-move on sa matindi at kahiya-hiyang pagkatalo nung manok n’yo? Pwede ba tama na. Sinasaktan n’yo lang mga sarili n’yo,” aniya sa vlog.