Sa ‘pagsuko’ sa China, Duterte tinawag na duwag, traydor ng senadora

DUWAG ba o traydor si Pangulong Duterte nang sabihin niya na hindi na mababawi ng Pilipinas ang West Philippine Sea sa China?


“Either way, he has failed our country. He has failed to defend our sovereignty, our seas, our people. Handa man siyang isuko ang Pilipinas, hinding-hindi naman susuko ang mga Pilipino,” giit ni Sen. Risa Hontiveros. “Sinusuko na ng Presidente ang soberanya ng Pilipinas.”


Binanatan din ni Hontiveros ang Pangulo sa sinabi nito na gera lamang ang paraan para mapasakamay muli ng Pilipinas ang WPS.


“Nakakahiyang marinig na mismong ang Commander-in-Chief ng Pilipinas ang pasimuno ng mistulang pagbigay ng ating teritoryo sa China. Sabi niya dati, magdye-jetski siya papuntang West Philippine Sea, hindi naman ginawa. Wala pa rin nga siyang ginagawa, tapos surrender na kaagad?” dagdag niya.