ROTC kailangan sa panahon ng kalamidad – BBM

BINIGYANG diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para makatulong sa pagresponde sa mga kalamidad sa bansa gaya nang naranasang magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra nitong Miyerkules.

Sa kanyang sariling vlog, sinabi ni Marcos na layunin ng ROTC na sanayin ang mga estudyante sa high school hindi lamang para sa pagtatanggol ng bansa, kundi para sa mga kalamidad at emergency.

“Mas marami rin tayong maihahanda na sibilyan para sa mga ganitong disaster response sa pamamagitan ng ROTC program dahil hindi lang naman national defense ang tinuturo sa kanila kundi disaster preparedness and capacity building para dito nga sa tinatawag na risk-related situations na itinuturo sa kanila,” sabi niya.