Roque sa Senado: Paano naman trolls ko?

GUSTO rin ni presidential spokesperson Harry Roque na imbestigahan ng Senado ang mga trolls na bumabanat sa kanya.


Ayon kay Roque, desisyon ng Senado na busisiin ang umano’y paggamit ng pondo ng gobyerno sa operasyon ng troll farms.


“Well, we welcome po ang imbestigasyon na gagawin ng Senado. Alam ninyo naman po independiyenteng sangay iyan ng gobyerno at hindi namin madidiktahan. So they can investigate all they want,” sabi ni Roque.


Pero hirit niya:”Pakiimbestiga rin po iyong mga bumabanat sa akin na mga trolls dahil according to a study, ako po iyong pinakamatinding binabanatan ng mga trolls,”


“Naniniwala po ako na organized din iyang mga pagbanat sa akin. So pakitingin na rin po iyong banat sa presidential spokesperson,” aniya.


Matatandaan na naghain ng resolusyon ang 12 senator na magsagawa ng pandinig ukol sa paglikha umano ng troll farms gamit ang pera ng publiko.–WC