Roque kay Duterte: Mataba rin ako, timbang huwag gawing isyu

PINAGSABIHAN ni presidential spokesperson Harry Roque si Pangulong Duterte na itigil ang pangungutya sa itsura ni Senator Richard Gordon dahil kahit siya ay overweight din.


“I may be spokesperson but I agree. Mr. President, ‘wag mo na sitahin ang katabaan dahil, mea culpa, mataba rin ako. Mea culpa, Mr. President, magpapapayat na rin ako,” ani Roque.


Idinagdag ng tagapagsalita na matagal na niyang planong magpapayat pero dahil sarado ang mga gym dahil sa pandemya ay ipinagpaliban niya ito.


Sa kanyang public address nitong Martes, nilait ni Duterte ang katawan ni Gordon, ang chairman ng Senate blue ribbon committee, at sinabing kailangan nitong magbawas ng timbang.


“Iba ka ‘adre. Ang advice ko iyo, magpapayat ka muna para medyo… Nalilipong ako ‘pag tinitingnan kita,” ani Duterte.