NANINIWALA si Archdiocese of Manila apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo na dapat maging tapat at transparent ang mga opisyal ng pamahalaan sa kanilang nasasakupan.
Ito ang reaksyon ni Pabillo sa sinabi ni presidential spokesman Harry Roque na hindi gawain ng mabuting Kristiyano ang ungkatin kung paano siya na-admit sa Philippine General Hospital (PGH) gayung nasa maximum capacity na ang ospital.
“There (is) nothing unchristian about the question. Government officials should be transparent to the public,” ani Pabillo nang tanungin ukol sa sinabi ni Roque.
Sa press briefing, ipinunto ni Roque na hindi gawain ng Kristiyano na tanungin kung paano siya agad na-admit sa pagamutan gayong maraming Pilipino na may Covid-19 din ang nahihirapang makahanap ng tatanggap sa kanila na ospital.
Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa sa PGH si Roque matapos siyang muling magpositibo sa Covid-19 noong Abril 10.