Roque bully, bastos– VP Leni

KINASTIGO ni Vice President Leni Robredo si presidential spokesperson Harry Roque sa pambabastos nito sa mga doktor.


“Okay lang na ‘di ka agree, pero wala kang karapatan na mam-bully, mambastos,” ani Robredo.


Nitong Sabado ay kumalat ang video ni Roque na nagagalit sa grupo ng mga doktor sa isang Inter-Agency Task Force meeting.


“Kung merong tao na kausap mo na iba ang paningin sa mga bagay, wala kang karapatan na mag-react the way Secretary Roque did,” dagdag pa ni Robredo.


Giit pa ng bise presidente, kung ayaw ni Roque na makarinig ng ibang opinyon ay huwag na itong dumalo sa mga pulong.


“Ang mga doktor na nandoon… nire-represent nila ang sektor nila kasi sila ang nangangalaga ng mga may sakit, sila na ang matagal nang nagsasakripisyo… Kung ayaw mong makinig ng contrary opinion, ‘wag ka nang pumunta doon,” dagdag pa ni Robredo. –WC