PINALAGAN ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang sinabi ni Vice President Sara Duterte na “huwag kayong bakla” sa isang pulis.
“We should not equate being gay or being trans or being lesbian with being weak,” ani Roman, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality.
Binitawan ni VP Sara ang nasabing linya sa isang pulis na kasama na maglilipat sa kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez sa Saint Luke’s Medical Center (SLMC) mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
“I think it’s quite surprising and disappointing the remarks knowing that the Vice President is a declared supporter of the LGBTQ,” sambit ni Roman.
“I did not expect that kind of remark [from] her,” dugtong niya.
Si Roman ang unang lantad na transgender woman na naluklok sa Mababang Kapulungan.
Matatandaan na halos magkagulo nang iutos ng House Committee on Good Government and Public Accountability na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Pero dahil sa kondisyon ni Lopez ay nagdesisyon ang Kamara na dalhin si Lopez sa VMMC. Matapos ang checkup ay inilipat siya sa SLMC.
Ibinalik naman si Lopez sa VMMC makaraan ang ilang araw sa SLMC.
Pinalaya siya nitong Sabado matapos ma-detain nang 10 araw.