Robredo kay Bongbong: Talo ka, tanggapin mo na

HINILING ni Vice President Leni Robredo sa Supreme Court (SC), na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang mosyon ni dating Sen. Bongbong Marcos na humihiling sa korte na irekonsidera ang pagbabasura sa election protest nito.


“Marcos needs to concede and accept his defeat in grace,” ani Robredo sa kanyang komento na isinumite ng mga abogado niyang pinangungunahan ni Romulo Macalintal.


“The prospect of defeat is a reality that all political candidates who stand for election must learn to accept—for as the late President Ferdinand E. Marcos was quoted to have said, ‘nobody is impervious to misfortune.’ The pain of loss dissipates, through the grace with which defeat is accepted,” dagdag ni Robredo.


Ibinasura ng PET ang election protest ni Marcos noong Pebrero dahil hindi nito napatanuyan ang alegasyon niyang nandaya ang kampo ni Robredo.


Hindi rin naipaliwanag ni Marcos kung bakit lumaki pa ang lamang ni Robredo sa ginawang recount sa tatlong probinsya kung saan sinabi ng huli na nadaya siya.