KINONDENA ni Sen. Robin Padilla si Australian Sen. Janet Rice sa pambabastos umano nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa talumpati ng presidente sa Australian Parliament noong nakaraang linggo.
Naghain din ng panukala si Robin na nananawagan sa Department of Foreign Affairs na ideklara si Rice bilang persona non grata dahil sa “unparliamentary behavior” nito.
“Resolved by the Senate, as it is hereby resolved, to condemn Australian Sen. Janet Rice and to urge the Department of Foreign Affairs to declare her as persona non grata for her unparliamentary behavior during President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.’s address before the Australian Parliament in Canberra,” ani Padilla sa panukala.
Ayon sa aktor-politiko, nagprotesta si Rice habang nagtatalumpati si Marcos noong February 29 na aniya ay isang “unparliamentary behavior.” Pinalayas naman sa Chamber si Rice dahil sa pambabastos sa Pangulo.