INAMIN ni neophyte Senator Robin Padilla na may “isyu” siya sa bagong halal na Senate Majority Leader na si Joel Villanueva ngunit hindi umano ito personal.
Matapos mahalal si Villanueva sa kanyang bagong puwesto noong Lunes, tumayo si Padilla para ipaalam sa na hindi siya boto rito.
“Pag-usapan po namin muna ni Majority Floor Leader ang isyu ko sa kanya,” ayon sa neophyte senator.
“Definitely hindi po personal,” ani Padilla. “Pero ako po ay kasama sa mayorya, kailangan ko din po siya proteksyonan sa isyu ko bilang siya po ang Majority Floor Leader,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi ni Villanueva na nagulat siya sa ginawa ng bagitong senador.
“I have no idea, he has never talked to me,” sinabi ni Villanueva.
“You know here in the Senate, we usually talk to each other before bringing something or anything on the floor.”