Robin ayaw maging corrupt, ‘di na tatakbong gobernador

DAHIL sa laki ng magagastos sa kampanya, hindi na itutuloy ni Robin Padilla ang planong pagtakbo sa 2022 elections.


Ayon kay Robin, wala siyang P150 milyon na ipanggugugol sa kampanya.


Isiniwalat ng aktor na nagparehistro siya sa Bicol dahil sa kagustuhan niyang tumakbo bilang gobernador.


“Kinonsider ko ‘yan. Nagparehistro pa nga ako sa Bicol. Akala ko P10-20 million (lang magagastos para sa campaign). Sabi sa akin, P150 million for local government, for governor. Iyon pa raw ‘yung pinakamaliit,” aniya.


Komento naman ng asawang si Mariel, mapipilitang maging corrupt si Robin kung sakali dahil sa laki ng gagastusin.


Kaya ang final decision ni Robin: “Hindi ko na talaga papasukin ang politika.” –A. Mae Rodriguez