NAKATAKDANG ilabas sa susunod na linggo ng Senate committee on public services and resulta ng imbestigasyon hinggil sa nangyaring airport system glitch noong Bagong Taon.
Ayon kay Senador Grace Poe, posibleng mailabas na ng komite na kanyang pinamumunuan ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon, at doon tutukuyin kung ano nga ang totong naging dahilan ng bulilyaso sa airport na nakaapekto sa mahigit na 600 flights at 65,000 biyahero noong Enero 1.
“There’s a confluence of factors that contributed to the glitch,” pahayag ni Poe sa press briefing, kasabay ang pagsasabi na matagal na itong problema ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga nakalipas na administrasyon.
“This is a long-standing problem with the CAAP because it spans several administrations. The fact that it is allowed to operate without adhering to proper maintenance protocols is in itself a violation,” dagdag pa niya.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang komite ni Poe matapos ang insidente noong Bagong Taon dahilan para magkansela, ma-delay o ma-divert ang may 600 flights. Umabot din sa mahigit 65,000 pasahero ang naapektuhan ng nasabing glitch.
Pebrero 6 nang magsagawa ng inspeksyon si Poe sa air traffic management center ng CAAP ad doon ay nakit na ang automatic volatage regulator na siyang nagsu-suplay ng kuryente sa traffic control ay hindi pa napapalitan simula pa noong Agosto 2022.