NAGHAIIN si Gabriela party-list Rep. Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ng House Resolution Number 781 na nagkokondena sa ginawang paggamit ng military-grade laser ng Chinese Coast Guard laban sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard na sakay ng BRP Malapascua malapit sa Ayungin Shoal.
“Gaslighting itong pahayag ng Chinese Ministry of Foreign Affairs. Tayo pa raw ang nanghimasok sa kanilang teritoryo nang walang pahintulot gayong bahagi ang Ayungin Shoal ng ating exclusive economic zone. Hindi rin katanggap-tanggap ang military action ng Chinese vessel sa counterpart nito sa Pilipinas,” sabi ni Brosas.
Idinagdag ni Brosas na bagamat nakipagpulong na si Pangulong Bongbong Marcos sa Chinese ambassador, wala pa ring malinaw a kasunduan hinggil dito.
“The latest incident in the Ayungin Shoal constitutes a deliberate act of aggression by Beijing against a Philippine government vessel and a clear disrespect of Philippine sovereign rights over its EEZ which should never be tolerated,” dagdag ni Brosas.