TINAMBAKAN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa trust rating nitong Mayo, ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia.
Nananatiling mataas ang trust rating ni Digong sa kabila ng kanyang pagkakadetine nito sa The Hague, Netherlands, dahil sa akusasyon crimes against humanity. Nakapagtala siya ng 63 porsiyentong trust rating, isang punto na mas mababa sa naitala noong Abril.
Samantala, nakakuha si Marcos ng 32 porsiyentong trust rating sa isinagawang Pulse ng Bayan survey na isinagawa noong Mayo 6 hanggang 9 sa may 1,200 resgitered voters.
Umakyat ng 3 punto ang kanyang trust rating kumpara noong Abril na nasa 29 porsyento.
Bumaba naman ang trust rating ni Sara ng pitong puntos mula sa 57 porisyentong nakuha nito sa Abril kumpara sa 50 porsyento ngayong buwan.