Pulse Asia: Performance, trust rating ni Marcos, Sara bumaba

BUMABA sa 50 ang dating 53 percent na performance rating ni Pangulong Bongbong Marcos sa isinagawang survey ng Pulse Asia nitong Setyembre.

Maging ang trust rating ng pangulo ay bumaba ng dalawang puntos mula sa dating 52 porsyento na naitala noong Hunyo.

Ginawa ang survey noong Setyembre 6 hanggang 13.

Samantala, bumaba naman ng siyam na puntos ang approval rating ni Vice President Sara Duterte na 60 percent na lamang ngayon mula sa dating 69 percent noong Hunyo.

Nasa 61 percent naman ang kanyang trust rating mula sa dating 71 percent.

Nakuha ni Marcos ang pinakamataas na satisfaction rating sa Balance Luzon na may 61 percent, at Metro Manila at Visayas na 52 percent.

Nasa 26 percent lamang ang nakuha niya sa Mindanao.