SINABI ni Presidential Security Group commander Colonel Ramon Zagala na halos tapos na ang PSG at iba pang ahensiya ng mga pamahalaan sa ginagawang mga paghahanda para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng unang State of the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, Huly 25, 2022.
“So these preparations are being planned since last week and that we at PSG, we are prepared in coordination with the Philippine National Police so that everything will go smoothly, from the time he arrives, he delivers his SONA, until he returns to the Malacañang Palace,” sabi ni Zagala.
Idinagdag ni Zagala na wala namang banta sa magiging SONA ni Marcos.
“We assure you that we will deploy enough personnel to protect the President, the First Family and all those attending,” dagdag ni Zagala.