SINABI ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na posibleng magdulot ng pagtaas sa presyo ng bigas ang nangyayaring patuloy na pagbaba ng halaga ng piso na ngayon ay mahigit sa P57 kontra dolyar.
“We are looking at agriculture inputs, kapag gumalaw ang presyo niyan globally at humina ang ating piso, then it can affect our cost of production, doon pa lang nagi-start na,” sabi ni Evangelista.
Idinagdag ni Evangelista na inaangkat ang fertilizer at mga pesticide na ginagamit sa produksyon ng bigas, bukod pa sa mga produktong petrolyo.
“Kaya pwedeng magbago ang presyo ng palay. That is something our rice program and our regional field offices will look into. Production support might be something that we have to explore to be able to cushion certain impacts of situation like this,” dagdag ni Evangelista.
Nauna nang sinabi Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang ang presyo ng bigas mula P4 hanggang P5 kada kilo sa Oktubre.