NAKAAMBANG tumaas ang presyo ng bigas ng P6 kada kilo bago matapos ang taon, ayon sa Department of Agriculture. Ito ay bunsod umano sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produksyon dahilan para mawalan ng gana ang mga magbubukid na magtanim. Dahil dito, humingi ang DA ng dagdag suporta para sa mga magbubukid gaya ng fertilizer subsidy para maibsan ang gastos at upang masolusyunan ang inaasahang mababang produksyon ng palay. “If production declines this main wet season due to high fertilizer and petrol prices, and global rice price rise, we will see significant increases in rice prices by the end of this year,” ayon kay Agriculture Undersecretary Fermin Adriano.