Presidential bid ni Pacman iligal?

ILIGAL ang pagtakbo bilang presidente ni Sen. Manny Pacquiao sa ilalim ng ruling PDP-Laban, ayon sa kalaban niyang paksyon.


Ani Melvin Matibag, secretary-general ng PDP-Laban Cusi faction, ang assembly na ginanap noong Setyembre 8 kung saan idineklara sina Sen. Bong Go at Pangulong Duterte bilang kandidato para pangulo at ikalawang pangulo ang lehitimo.


“Yung naging pulong na ‘to illegal po ‘to. They can be declared to be a candidate but not as a PDP-Laban candidate,” giit ni Matibag.


Sa isang panayam, sinabi ni Matibag na hindi sila nasorpresa sa deklarasyon ni Pacquiao nitong Linggo dahil ito ang matagal na niyang plano.


“Nadagdagan pa nga po ‘yan ng paniwala ni Sen. Pacquiao na kinausap siya ng Diyos at siya ang anointed one para maging Presidente. So mahirap naman pong pigilan ‘yun. Yun naman po ay pangarap niya,” hirit ni Matibag.