MATAPOS umani ng kabi-kabilang batikos, nagdesisyon ang Kamara na tanggalin na ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) bilang pagkukuna ng pondo para sa panukalang Maharlika Wealth Fund (MIF).
Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo na ito ang napagdesisyunan matapos ang pakikipagpulong sa mga economic managers, na siyang nag-draft ng panukala.
“Based on our assessment of the proposed changes put forward by the economic team, we are amending the bill to change the fund sources, removing GSIS and SSS as fund contributors and instead utilize profits of the Bangko Sentral ng Pilipinas,” sabi ni Quimbo.
Nauna nang binatikos ang planong ilaan ang P125 bilyong pondo ng GSIS at P50 bilyon naman mula sa SSS para sa Maharlika Investment Fund.