NANINIWALA si Senador Grace Poe na wala nang silbi ang pagmumulta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa water concessionaire nito na Maynilad dahil sa mga kapalpakan nito na makapaghatid ng maayos na serbisyo.
“Slapping fines on those who fail their obligations is not enough,” sabi ni Poe sa isang kalatas matapos pagmultahin ng MWSS ang Maynilad ng P27.48 milyon ngayong linggo dahil sa kabiguan nito na makapag-suplay ng tubig sa mga consumer nito sa southern part ng Metro Manila na sineserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plant.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinagmulta ng MWSS ang Maynila hinggil sa kapalpakan nito sa Putatan plant.
“The MWSS must step up and take its role as regulator accordingly and effectively,” ayon kay Poe na chairperson ng Senate committee on public service.
“At some point, the MWSS-RO should recognize that its fines are not working with Maynilad,” dagdag nito kaalinsabay sa walang humpay na reklamo ng mga residente na apektado ng kawalan ng tubig sa Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa at ilang bahagi ng Cavite.