NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang bicameral committee report hinggil sa isinusulong na subscriber identity module (SIM) registration bill.
Sinabi ni Sen. Grace Poe, na siyang may akda ng panukala, dahil sa development na ito na lagda na lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang kulang, magtutuloy-tuloy na ang paghahabol ng pamahalaan sa mga text scammer.
Ayon kay Poe, na inamyendahan sa bicam ang pag-aalis ng salitang ‘card’ sa panukala.
Magiging prerequisite din ang pagpaparerehistro direkta sa mga telecommunications company para ma-activate ang SIM.
Binigyan naman ng 180 araw ang mga menor de edad para makapagrehistro sa pamamagitan ng magulang o guardian.
Binigyan din ang mga telcos ng 60 buwan para magtayo ng registration facilities sa mga liblib na lugar.
Sakaling maratipika sa Kamara, pirma na lamang ni Pangulong Marcos ang kailangan para maging ganap na batas ang panukala.