Plunder, graft isinampa vs Ex-Manila Mayor Isko, Lacuna sa Ombudsman

NAHAHARAP sa reklamong plunder, graft, avuse of authority at oppression sina dating Manila Mayor Isko Moreno at incumbent Mayor Honey Lacuna sa Ombudsman kaugnay sa no-contact apprehension program na ipinatupad sa lungsod.

Inihain ang 44-pahinang reklamo laban sa dating alkalde at talunang presidential candidate na si Moreno at Lacuna, nitong Huwebes ng abogadong si Alex Lopez.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Lopez, na natalong kandidato sa pagka-alkalde sa Maynila nitong nakaraang halalan, na nag-commit ng plunder, graft at “abuse of authority and oppression”, at lumabag din sa Government Procurement Reform Act at Data Privacy Act dahil sa pagpapatupad ng NCAP.

Ipinatupad ang NCAP sa lungsod matapos maipasa acity ordinance noong 2020, kung saan si Lacuna pa ang vice mayor at presiding officer ng konseho. Ito ay matapos pumasok sa private-public partnership ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa QPAX Traffic Systems Inc.

Kibit-balikat lamang ang naging tugon dito ni Moreno.

“I wish him well and good luck.”

Noong isang buwan, nag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa implementasyon gn NCAP sa ilang lungsod sa Metro Manila.