SINABI ng Department of Agriculture (DA) ngayong Sabado na umabot na sa P3.16 billion ang pinsala ng Severe Tropical Storm Paeng sa agrikultura.
Sa pinakahuling bulletin ng DA alas-9 ng umaga, sinabi nito na umabot sa 197,811 metric tons na produksyon ang nasira sa 84,677 ektarya ng mga pananim kung saan apektado ang kabuuang 83,704 magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at SOCCSKSARGEN (South Cotobato, Cotobato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City).
“Affected commodities include rice, corn, high value crops, fisheries, livestock, and poultry. Damage has also been incurred in agricultural infrastructures, machineries, and equipment,” sabi ng DA.
Umabot ang pinsala sa mga palayan ng P1.95 bilyon, high value crops, P612.50 milyon; palaisdaan, P201.73 milyon; corn, P160.32 milyon; babuyan at manukan, P40.04 milyon; cassava, P1.80 milyon; agricultural infrastructures, P190.68 milyon; at machineries at equipment, P1.79 milyon.