SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na wala siyang balak na muling lumahok ang Pilipinas sa International Criminal Court matapos na magdesisyon si dating pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa pagiging miyembro ng ICC.
“No, the Philippines has no intention of rejoining the ICC,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na ito ang napagkasunduan matapos ang ginawang pakikipagpulong niya kina Solicitor General Menardo Guevarra, Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at Atty. Harry Roque na tumatayong kanyang pribadong abogado.
“Eh sinasabi naman namin may imbestigasyon naman dito at patuloy rin naman ang imbestigasyon, bakit magkakaroon ng ganoon? So anyway, para alam natin ang gagawin natin, if we will respond, if we will not respond, kung ano — kung sakali man sasagot tayo, anong magiging sagot natin; or possible din, basta hindi natin papansinin dahil hindi naman tayo sumasailalim sa kanila,” dagdag ni Marcos.
Ito’y matapos namang atasan ng ICC ang Pilipinas na magkomento sa muling pagbubukas kaugnay ng umano’y paglabag sa mga karapatang pantao sa isinagawang kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga.