Picture ni Duterte di peke –Palasyo

SINISI ng Malacañang ang mga “dilawan” o mga kontra sa administrasyon sa kumakalat na tsismis na minanipula ang mga larawan ni Pangulong Duterte na inilabas ni Sen. Bong Go.


Ani presidential spokesperson Harry Roque, pinalalabas ng mga “usual detractors” na peke ang mga litrato para isipin ng publiko na may itinatago ang pamahalaan kaugnay sa lagay ng Pangulo.


“As to claims that the recent photos of President Duterte are photoshopped, those who made noise on the matter are the usual detractors of the Chief Executive who see nothing good in what he does. Let them be, sabi ni Roque.


Noong Miyerkules at Huwebes ay ipinost ni Go sa Facebook ang mga larawan ni Duterte makaraang kanselahin ng huli ang kanyang lingguhang Talk to the People address dahil karamihan sa kanyang mga security aide ay nagpositibo umano sa Covid-19.


Itinanggi rin ni Go na inatake sa puso at nadali ng virus ang Pangulo.