Photo ni ex-PNP chief Acorda kasama POGO personalities lumutang sa Senate hearing

IBINANDERA ni Senador Risa Hontiveros ang mga larawan ni dating PNP Chif General Benjamin Acorda Jr. kasama ang ilang indibidwal na dawit ngayon sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado na may kinalaman sa POGO.

Pinaamin ni Hontiveros sia Yang Jian Xin, kilala rin bilang Tony Yang, at kapatid ng dating economic adviser ni former President Rodrigo Duterte na si Michael Yang, tungkol sa larawan.

Usisa ni Hontiveros: “Pwede nyo bang ipaliwanag ang litratong ito. Meeting po ba yan? Sino ang mga kasama at ano ang pinag usapan nyo?”.

Sa pamamagitan ng interpreter, sinabi ni Yang na hindi umano meeting ang nasabing picture kundi dumalaw lang sila kay Acorda na noon ay hepe pa lang ng Cagayan.

Matagal na rin anya niyang kilala si Acorda.