Photo ng ‘person of interest’ sa Percy Lapid slay inilabas

NAGLABAS na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng litrato ng person of interest kaugnay ng pagpatay sa veteran journalist na si Percy Lapid base sa mga nakuhang CCTV sa pinangyarihan ng krimen.

Makikita sa larawan ang isang lalaki na naglalakad na kapareho naman ng litrato ng nakasakay sa motorsiklo na siyang bumaril kay Lapid.

Nag-alok na ang pulisya ng P1.5 milyog pabuya para sa mga makapagbibigay ng impormasyon para mahuli ang mga nasa likod ng pagpatay.