INAKUSAHAN ng Pharmally Pharmaecutical Corp si Senador Risa Hontiveros ng panunuhol ang isang staff ng kompanya na humarap sa Senate blue ribbon committee para idiin na ang nabiling supplies ng gobyerno ay pawang mga substandard.
Sa isang video footage na iniharap ng abogado ng Pharmally na si Ferdinand Topaco, ipinakita rito ang isang staff ng kompanya na nagsabi na inalok siya ng pera ng abogado mula umano sa tanggapan ni Hontiveros kapalit ang testimonya laban sa kompanya.
Sa hearing noong Biyernes, isang testigo ang humarap sa blue ribbon committee na nakatakip ang mukha at sinabing inutusan siya ni Pharmally officer na si Krizle Mago na palitan ang expiry dates ng mga face shield na isusuplay sa gobyerno. Kinalaunan ay inamin ito ni Mago.
“In a video that was presented by Atty. Topacio in a press conference a while ago, another warehouse staff from Pharmally reveals that Sen. Hontiveros’ attorney offered his former co-worker money in exchange for testimony,” ayon sa kalatas ng Pharmally.
Isang Atty. Jaye Bekema na nagtatrabaho sa office ni Hontiveros ang umano’y nag-alok ng suhol.
“In that said video, another Pharmally warehouseman identified his former co-worker as ‘V-Jay’, saying the latter was paid by (Hontiveros’ lawyer) through her driver,” dagdag nito.
Ayon sa lalaki nabayaran ang testigo nito ng abogado ni Hontiveros para siraan si Mago at ang Pharmally.
Mariin namang itinanggi ni Hontiveros ang akusasyon at sinabi na hindi nila nakagawian ang ganitong sistema.
“First, it was the witness who reached out to us. We have an e-mail thread to prove this. Like always, may resibo ako. We vetted the information of the witness for weeks and obtained independent corroboration of his points,” ayon pa sa senador.