WALA na sa kanyang tinirhang condo unit ang Pharmally executive na si Krizle Mago, ayon kay Senador Richard Gordon.
“All we know is that she’s no longer in her condominium and that we’re told that she is totally disregarding her phone calls or totally not in control of herself, we don’t know,” ayon kay Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, sa panayam nito sa CNN Philipppines.
Ang tinutukoy ni Gordon ay si Mago na umamin sa pagdinig ng Senado na nagdidiin sa korporasyon na kanyang kinabibilangan kaugnay sa overpriced na PPEs na binili ng gobyerno.
Ayon pa sa senador, binibigyang proteksyon si Mago ng “certain bodyguards”.
“We had a hint she was supposedly under the protection of ‘certain bodyguards’ and we’re not sure whether that’s really reliable but we’re hoping for the best. We hope that she’s not hurt. We hope that she is not being intimidated,” dagdag pa ni Gordon.