BINANGGA ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Escoda (Sabina) Shoal sa West Philippine Sea Lunes ng umaga.
Kinumpirma ni National Security Council spokesperson Jonathan Malaya na binangga ng CCG ang BRP Cape Engaño at BRP Bacagay habang magdedeliber ng mga ito ng supplies sa Lawak at Patag islands.
Sa kabila nito, itinuloy pa rin ng PCG ang misyon nito at itinuloy ang pagdeliber ng mga essential supplies sa mga tauhan na nakaistasyo sa Lawak at Patag islands.
Ayon kay Malaya, alas 3:24 ng madaling araw habang pumapalaot 23 nautical miles southeast ng Escoda Shoal ang BRP Engaño nang ito ay minaneobrahan ng CCG ship.