NANINIWALA si Pangulong Duterte na dapat maging paalala sa publiko ang People Power Revolution na walang hindi kakayanin ang mga Pinoy kung may pagkakaisa.
“This celebration serves as a strong reminder that with unity, cooperation and faith, there is nothing that we cannot collectively achieve for the greater good of our country,” sabi ni Duterte sa kanyang mensahe para sa ika-36 anibersaryo mg EDSA People Power.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na dapat papurihan ang mga indibidwal na nagbibigay kontribusyon para magpatuloy ang pamana ng mapayapang rebolusyon.
“Our public servants who render honest and effective governance at the local and national levels, those who conduct rescue and relief operations during calamities, our community volunteers as well as our medical and essential frontliners during this COVID-19 pandemic, are among those who embody the true essense of People Power in our lives,” sabi ni Duterte.
Aniya, dapat gayahin ng mga Pinoy ang kanilang kabayanihan para makalagpasan ang kasalukuyang mga hapon sa bansa.